Nagreklamo na sa Facebook ang social media personality at motivational speaker Rendon Labador, matapos wala umanong bumili ng ticket para sa grand opening ng kaniyang resto.

Napatanong na lamang ang motivational speaker kung lahat ba ay tagahanga ni Coco Martin, dahil mukhang "wapakels" ang netizens sa opening nila mamayang alas 4 ng hapon.

Aniya, "Walang bumibili ng ticket namin sa grand opening bukas. Bakit kaya? Fans ba lahat kayo ni Coco, kaya ayaw ninyo bumili? Wala sanang personalan."

Dinumog naman ng netizens ang "sad boy era" ng motivational speaker, at sinabing deserve niya ito dahil sa mga banat niya kay Coco Martin.

National

Alice Guo, ililipat sa Pasig City jail kaugnay ng kasong qualified trafficking

BASAHIN: Rendon Labador, binanatan si Coco Martin, ‘Hindi ka batang Quiapo, isa kang anak ng tokwa’

Narito ang komento ng netizens:

''Tangang Rendon anong feeling na 'di ka pinapansin ng isang Coco Martin? 'di motivational speaker ang tawag sayo, papansin speaker."

"Mag open palang pero sarado na agad HAHAHAHAHA, the design is very Goods by Brenda hahahaha."

"Life is what you make it! Being arrogant has consequences."

"The design is very deserving for u. I’ll wait na lang sa closing."

Pabirong hirit pa ng netizen, baka gusto raw na ilipat ni Rendon sa Quiapo ang kaniyang resto.