Tila may "hugot" si Ultimate Heartthrob Piolo Pascual sa pagkain nang mag-isa.

Eh 'di ba nga, matagal nang single at bachelor si Papa Pi kaya naturalmente lang na mag-isa siyang kumakain, unless na kasama niya ang dating PA na si Moi Bien, o ang anak na si Iñigo Pascual.

Sey ni Papa Pi, "Hindi porket kumakain mag-isa malungkot na, di ba puwedeng nagtitipid lang?"

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Sundot pa niya, "Sarap kaya kumain (nang) mag-isa walang kaagaw…"

Nagkomento naman dito ang aktor na si Joross Gamboa.

"Kami buong pamilya nasa labas di kumakain eh."

Screengrab mula sa FB ni Piolo Pascual

Matatandaang kamakailan lamang ay naging panawagang i-normalize ang makakita ng mga taong mag-isa lamang kumakain sa mga restaurant, at hindi nangangahulugan nitong malungkot sila.