Usap-usapan ngayon sa social media ang dalawang pop star na si Selena Gomez at Zayn Malik matapos silang makitang magkasama sa New York City.

Sa isang video na ibinahagi ng isang TikTok user na si Klarissa Garcia, nasaksihan umano ng kaniyang kaibigan ang "making out" nina Selena at Zayn habang magkasamang kumakain ng hapunan noong Huwebes ng gabi sa isang restaurant sa Manhattan.

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Pagkatapos ipaliwanag na siya at ang kaniyang kaibigan ay nagtatrabaho sa mga sikat na sikat na lugar, ibinahagi niya ang isang screenshot ng kanilang pag-uusap, ani ng kaibigan,“Tell me how Selena Gomez and Zayne just walked into (blurred out restaurant) hand in hand making out and I seated them.

Chika pa nito na kasama umano ang anak na babae ni Zayn kay Gigi.

“Everyone’s out here feeling bad for Selena. MEANWHILE, she with BABY ZADDDYYY,” dagdag pa ng kaibigan.

Unang umingay ang dating rumors ng dalawa simula nang mapansin ng fans na isa si Zayn sa 403M Instagram followers ni Selena.

Samantalang, 18 na tao lang ang pina-follow ni Zayn sa IG, kasama na rito si Selena.

Nauna nang nakipag-date si Zayn sa modelong si Gigi Hadid, nagkaroon pa sila ng 2 taong gulang na anak na babae na si Khai, hanggang sa naghiwalay sila noong 2021.