Walang nakatama ng jackpot para sa Grand Lotto 6/55 at Lotto 6/42 sa evening draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Sabado, Marso 25.

Ang winning combination para sa Grand Lotto ay 49 - 53 - 03 - 31 - 22 - 08 para sa jackpot prize na nagkakahalaga ng P29,700,000.

Siyam na mananaya naman ang nanalo sa second prize na nagkakahalaga ng P100,000 at 564 na manlalaro ang tumama sa third prize na nagkakahalaga ng P1,500.

Ang Grand Lotto ay binubola tuwing Lunes, Miyerkules, at Sabado sa alas-9 ng gabi.

Eleksyon

COC Filing Day 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Samantala, ang masuwerteng numero para sa Lotto 6/42 ay 20 - 33 - 17 - 39 - 34 - 07 para sa jackpot na nagkakahalaga ng P30,199,891.40. 'Di rin natamaan.

Sinabi ng PCSO na 21 bettors ang nakakuha ng pangalawang premyo na nagkakahalaga ng P24,000 at 1,352 na manlalaro ang nakakuha ng ikatlong premyo na nagkakahalaga ng P800.

Ang Lotto 6/42 ay ibinunot naman kada Martes, Huwebes, at Sabado sa ganap na 9 p.m.

Luisa Kabato