Bumisita ang PBA at Barangay Ginebra player na si LA Tenorio sa Our Lady of Antipolo upang ipanalangin ang mabilis niyang recovery laban sa pinagdadaanang Stage 3 colon cancer.

Sa isang post ng opisyal na Facebook page ng Antipolo cathedral, bumisita umano sa simbahan si Tenorio nitong Biyernes, Marso 24, matapos manood ng PBA game sa Ynares Center.

"He pleaded for prayers for steadfast recovery," saad ng cathedral.

Ibinahagi rin nitong deboto na si Tenorio ng Our Lady of Antipolo mula nang bata pa lamang daw ito.

National

Antipolo Cathedral, magiging international shrine na sa Marso 25

"Our dear mother, Mary, prayed that God's grace would surround LA Tenorio's deterioration," saad ng simbahan.

"As one Catholic church, let's take a moment and solemnly ask to pray for the PBA basketball star's recovery."

Matatandaang isiniwalat kamakailan ni Tenorio na na-diagnose siya Stage 3 colon cancer, na siyang dahilan umano ng pansamantalang pagtigil niya sa paglalaro ng basketball.

BASAHIN: LA Tenorio, na-diagnose ng Stage 3 colon cancer