Ibinahagi ng hunk actor na si Joseph Marco ang development sa sugatang pusang naispatan at sinagip sa isang kalsada sa Makati City, 5 months ago.

Ayon sa TikTok ni Joseph, naawa siya sa pusa dahil sugatan ito. Hindi na siya nagdalawang-isip na ampunin ito, dalhin sa vet clinic, at iuwi sa bahay.

“Animals have no voice. They can’t ask for help. They can’t ask for freedom. Humanity must be their voice. Maxik tells us everyone deserves a chance,” aniya sa Instagram.

Sa IG ay makikitang ibang-iba na ang hitsura ni Maxik mula sa day 1 na nakita niya ito sa kalye.

'Brief o pipino?' Joseph Marco, tuloy ang 'pabakat'

Good job naman si Joseph sa netizens lalo na sa mga humahanga sa kaniya. Biglang-bigla, marami ang biglang nagnais na "maging pusa" at magpaalaga rin kay Joseph, ha!

"Sana naging pusa na rin ako!"

"Gustong-gusto ko talaga ang pusa tapos ngayon gusto ko na rin maging pusa…"

"Puwede rin po bang magpa-alaga Joseph Marco? Meow!"

"Pangarap ko talaga maging pusa ehh… yung orange."

Kamakailan lamang ay nagpakilig sa mga netizen ang underwear photoshoot ni Joseph na kitang-kita ang kaniyang "ipinagmamalaki."

Samantala, hindi lamang si Joseph ang celebrity na nag-ampon ng naispatang pusa sa pampublikong lugar.

Matatandaang iyan din ang ginawa ni Kapamilya star Jodi Sta. Maria noong siya ay nasa airport. Kaya nga "Naia" ang ipinangalan niya rito.