Kinaaliwan ng netizens ang wedding invitation ng magkasintahang sina radio disc jockey Joy Babor a.k.a. Lyka Barista at reporter LA Santos matapos itong mag ala-notice of disconnection ng kuryente.

"Ooppss! Hindi po ito Notice of Disconnection, ito po ay Wedding Invitation! 🤣" saad ni Babor sa kaniyang post.

Sa panayam ng Balita, ibinahagi ni Babor na mahilig talaga sila ng kaniyang partner na gumawa ng mga kakaibang pakulo, kaya’t naisipan umano nilang i-apply ang kanilang creativity sa pag-imbita ng mga magiging panauhin sa kanilang kasal.

“Usually kasi kami ni partner mahilig sa kakaiba, wala pang nakakagawa, etc. We join the trend pero ang mantra rin kasi namin ay be a trendsetter in everything that you do, the exposure will come as it may,” kuwento ni Babor.

Human-Interest

Mahanap kaya? Lalaking hinahanap nawalay na biological parents, usap-usapan

Sinimulan daw nilang ipadala ang mga nasabing kakaibang wedding invitation noong mga kalagitnaan ng buwan ng Marso.

“Pinapadala namin sa mga ninong ninang and kapag inaabot namin, sinasabi namin ay ‘Hello Mam Ninang/Sir Ninong, here’s your monthly bill for the month of March-April. Charot 🤣’,” pabirong saad ni Babor.

Bukod sa mga ninong at ninang na tiyak na nawindang sa tila bill ng kuryenteng pinadala sa kanila, maging ang mga netizen ay napa-’wow mali’ rin sa cute at nakaaaliw na nasabing wedding invitation.

Sa katunayan, umani na ng mahigit 2,500 reactions, 330 comments, at 350 shares ang post tungkol dito.

Komento pa ng netizens:

“Kung ako makakareceive unang reaction ko… KAKABAYAD KO LANG BAKIT MAY DISCONNECTION🤣 nagbackread ayyy INVITATION PALA🤣 BEST WISHES po☺️😘

“Ang cute ng invitation! Congratulations and best wishes po! ❤️❤️❤️

“Congratulations, and wishing no disconnection will ever happen to your marriage. Best wishes. 🎊💕

“Kaloka 😂 aatakihin sa bill of meralco ang mtnda nito Este invitation.”

“Nakakatakot na invitation notice 😂😂 Congrats po.”

Nang tanungin ng Balita ang reaksyon ni Babor sa pagiging viral ng kanilang wedding invitation, narito ang kwelang hirit niya sa netizens:

“Well, Thank you sa lahat ng naka appreciate ng Wedding Invitation namin 🙂 Nasa details rin ang GCASH number kaya para sa mga natuwa at tumawa, send GCASH na lang po. 🙂 Charot! 🤣

Best wishes Joy at LA!

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!