Ikinalungkot ni dating Miss Universe Philippines candidate at content creator na si Ayn Bernos nang ma-diagnose ito na may polycystic ovary syndrome o PCOS.

Ibinahagi niya rin na ang PCOS ang sanhi ng pagdagdag ng kaniyang timbang kahit na may maayos siyang diet at lifestyle.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

https://twitter.com/aynbernos/status/1639334337719177216?s=20

Ani Ayn, sa kabila ng kaniyang ehersisyo at normal na pagkain ay nadagdagan pa rin siya ng 20 pounds.

"I’ve never felt more sluggish despite sleeping 7-8hrs every night. It’s getting harder and harder to stay active. I miss my hobbies. I miss hiking and climbing," anang dating MUPH candidate.

Hindi lang ang pisikal na katawan ni Ayn ang apektado ng kaniyang sitwasyon dahil maging ang mental na katayuan niya ay nahihirapan din.

Nagpasalamat naman siya sa mga doktor na tumutulong sa kaniya.