Hindi rin nakaligtas kay Manay Lolit Solis ang mga outfit na isinusuot ng seasoned TV host na si Boy Abunda sa talk show nito na "Fast Talk with Boy Abunda."

Sa IG post ni Lolit nitong Biyernes, nafi-feel daw niya ang happiness ng mga nanunuod ng naturang talk show dahil parang nagiging isang happy reunion daw ito. 

"I can feel iyon happiness ng mga nanunuod kay Boy Abunda sa Fast Talk Salve tuwing nagsa sayawan sila ng kanyang mga guests. Talagang para bang isang happy reunion ang nangyayari pag sa ending ng program bigla request ni Boy Abunda na magsayaw sila," aniya.

Humanga rin siya sa umano'y direktor ng talk show dahil nagiging very light daw ang dating ng bawat interview.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Pero ayon nga, hindi nakaligtas sa mata ni Lolit ang mga outfit ni Boy.

"Nagiging very light ang dating ng bawat interview. Kaloka din ang mga outfit ni Boy Abunda na talaga naman inaabangan araw araw, buti na lang at hindi gaya sa Startalk na hinihingi ko ang mga tshirts niya, ngayon walang kumukuha ng mga outfit niya na talagang kadalasan out of this world dahil avant garde talaga," saad ng talent manager.

Tinext din daw niya ang TV host na inaagawan daw nito ng eksena ang mga bisita sa Fast Talk.

"Si Boy Abunda lang ang puwedeng gumawa talaga ng ganun eksena, text ko nga sa kanya na madalas inaagawan ng eksena ng suot niya ang mga bisita ng Fast Talk.

"Congrats dahil talagang magiging addict ka sa panonood ng Fast Talk, at talagang bongga si Boy Abunda."