Umamin na ang aktor na si Marco Gumabao tungkol sa status ng relasyon nila ni Cristine Reyes matapos silang makitang magkasama sa Siargao at magka-holding hands sa Makati.

Sa isang mediacon kahapon ng comedy series na “Kurdapya” ng TV5, dito ibinahagi ng aktor ang real score nila ng aktres.

Nang unang tanungin sa kung anong namamagitan sa kanila, “What we have now is special, I would say. Ayoko munang magsabi ng mga label-label na ganyan.”

Aniya, wala naman silang dapat itago at itanggi ni Cristine.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Matatandaang sa naunang panayam kay Marco sa presscon ng Baby Boy, Baby Girl anito, "We've been very, very close. We've been working out together, hanging out a lot."

Pagbabahagi ni Marco na matagal na silang magkaibigan ni Cristine.

"Kami ni Cristine, we've worked together since 2015, first teleserye ko kasama ko siya sa Tubig at Langis. And I can say we have formed a relationship, a good solid friendship throughout the years," aniya sa interbyu.

Nang muling kuwestiyunin naman kung puwedeng matuloy sa relasyon kung ano mang meron sila ay hirit ni Marco, "Nasa sa kanya yun!"

“Basta pag ano, malalaman niyo naman yun," pahabol ng aktor.