Ibinahagi ni Lotlot de Leon, adopted daughter ng showbiz icons na sina Nora Aunor at Christopher de Leon, na sa wakas ay na-meet na niya ang kaniyang biological father sa Olongapo, kung saan siya pinanganak.

Sa kaniyang Instagram post, kinuwento ni Lotlot bata pa lamang siya ay naririnig na niya mula sa ibang tao na hindi siya tunay na anak ng kaniyang Mama Guy at Daddy Boyet.

“Didn’t knew what it meant before until my mom sat with me one day and explained. She said the difference between me and Ian was that my brother came from her stomach, I was a gift from above. (Mom pointing at mama Mary the statue.),” salaysay ni Lotlot. 

“Cried for hours after that. Not because I didn’t know who my real parents were but because I wanted to be like Ian too, na galing din sa stomach nya because I love my mom so much gusto ko totoong anak din nila ako ni dad,” aniya.

Eleksyon

Mayor Honey Lacuna, inisyuhan din ng show-cause order dahil sa umano’y vote-buying, ASR

Hindi naman daw siya nagtanim ng galit sa tunay niyang magulang, bagkus ay pinagdasal pa niyang makilala niya ang mga ito.

Nang magpunta daw si Lotlot sa municipal hall sa Olongapo makalipas ang ilang taon, may nagsabi umano sa kaniya ng katagang “lot nung baby ka, sa amin ka nakatira.”

“Since sa olongapo nga ako pinanganak. Sabe ko suntok sa buwan I’ll ask kung may alam sila sa totoong tatay ko. I was able to speak to someone who accommodated me and since alam ko na name ng father ko I gave the details of the information I had,” kuwento ni Lotlot.

Matapos ang ilang araw, natanggap na umano ni Lotlot ang buong pangalan ng kaniyang ama, asawa nito, at kanilang anak, na siyang ate niya. Doon na umano niya hinanap sa social media ang mga ito hanggang sa nakuha niya ang e-mail address.   

“In my head that time, try lang naman..kung hindi nya ako sagutin..okay lang. Hindi ko na nilagay sa isip ko that he would,” saad ni Lotlot.

“I wrote.. ‘Hi Mr. Olson, my name is Lot de Leon, my biological moms name is Eva Rodriguez.. are you my father?’ Something like that, then he replied and said. ‘Yes, I know who you are.’ ‘I’ve always known about you I carried you in my arms when you were born.’ My jaw dropped & the rest is history,” kuwento ng aktres.

“Each of us have a story. Marami din tayong plano sa buhay. Pero ang plano pa din ni Papa God ang mangingibabaw.”

Ipinahayag din ni Lotlot kung gaano siya nagpapasalamat sa lahat ng nangyayari sa kaniya ngayon, lalo na’t na-meet na niya ang kaniyang Papa.

“Forgiveness, humility and prayers goes a long way. If not for the decisions they made.. the time they made it. I wouldn’t have the people I love most in my life too now,” ani Lotlot.

“Looking at the glass half full with gratitude.Always.”