Mas humanga si Manay Lolit Solis sa ginawang pag-amin ng Kapuso actress na si Klea Pineda na isa siyang gay. Hindi raw kasi ito natakot sa kung anuman ang magiging resulta ng pag-amin nito.

"Gusto ko iyon ginagawang pagtanggap ng isang tao kung sino at ano siya talaga Salve. Like iyon confession ni Klea Pineda na isa siyang gay, na meron siyang GF na babae," ani Lolit sa kaniyang IG post noong Marso 22. 

"The worst thing you can do in your life is iyon itago mo kung ano ang nararamdaman mo, at kung ano ang gusto mong gawin. Talagang dapat hangaan si Klea Pineda dahil hindi siya natakot sa outcome ng ginawa niya, instead mas inuna niya ang freedom na gusto niya para sa sarili niya," dagdag pa niya.

Ayon pa sa talent manager, kahit saan daw anggulo tingnan si Klea ay maganda raw ito dahil wala raw itinatago-- totoo at sincere raw ang mga ngiti nito.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Nagustuhan din daw ni Lolit ang pagtanggap ng pamilya ni Klea sa naging desisyon nito. 

Kaya naman dapat daw tularan ng umano'y "closet queens" si Klea.

"Kahanga hanga talaga at kailangan tularan ng ibang closet queens. Be honest, be proud. Huwag itago ang totoong ikaw. Isigaw mo iyan sa buong mundo, ipagmalaki mo. Huwag ka matakot, aminin mo, free yourself, at tatanggapin ka tiyak ng mundo. Love you Klea Pineda, bongga ka."