Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang probinsya ng Camarines Norte nitong Biyernes ng gabi, Marso 24, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 11:13 ng gabi.

Namataan ang epicenter nito 16 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Tinaga Island sa Vinzons, Camarines Norte, na may lalim na 1 kilometro.

Naitala sa instrumento ng Phivolcs ang Intensity II sa Daet, Camarines Norte.

Wala naman umanong inaasahang posibleng aftershocks dahil sa lindol.

Wala ring inaasahang pinsalang maidudulot ang nasabing pagyanig.