Milyun-milyon na naman ang jackpot prizes ng lotto games ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na naghihintay na mapanalunan ngayong Huwebes ng gabi, Marso 23.

Sa inilabas na jackpot estimates ng PCSO, nabatid na aabot na sa P23 milyon ang jackpot prize ng Lotto 6/42 national lottery at P15.8 milyon na rin ang jackpot prize ng SuperLotto 6/49, na kapwa bobolahin pagsapit ng alas-9:00 ng gabi.

Kaugnay nito, hinikayat muli ng PCSO ang publiko na magtungo na sa pinakamalapit na lotto outlets sa kanilang lugar at tayaan ang kanilang paboritong mga numero.

Una nang sinabi ni PCSO Vice Chairperson at General Manager Melquiades Robles na walang talo sa pagtaya sa lotto dahil sa halagang P20 lamang ay may tiyansa nang maging instant millionaryo at nakatulong pa sa mga kababayan nating nangangailangan.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

Ang SuperLotto 6/49 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Linggo, habang ang Lotto 6/42 ay may draw naman tuwing Martes, Huwebes at Linggo.