Magkakaloob ng tulong ang pamahalaan ng Korea sa Pilipinas para sa isinasagawang paglilinis ng mga baybay-dagat na napinsala ng kumakalat na oil spill mula sa lumubog na MT Princess Empress sa Naujan Oriental Mindoro noong Pebrero 28.

Sa pahayag ng South Korean Embassy in Manila nitong Huwebes, Marso 23, makikipagtulungan na umano ang Korean Coast Guard (KCG) sa Philippine Coast Guard (PCG) sa pagsasagawa ng clean up efforts sa mga naapektuhan ng nasabing oil spill.

Bukod dito, magbibigay rin umano ang Korea ng 20 tonelada ng sorbet pad at snares, 1,000 metro ng solid flotation curtain boom, at 2,000 set ng personal protective equipment (PPE).

“This is the first time Korea has provided assistance for the prevention of marine pollution, and Korea highly values the importance of restoring areas affected by environmental disasters and accidents,” saad ng embassy.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Ang nasabing oil spill mula sa lumubog na MT Princess Empress na may kargang 800,000 industrial fuel oil ay kumalat na umano sa mga baybay-dagat ng mga probinsyang tulad ng Oriental Mindoro, Palawan, Antique, at Batangas.

Kamakailan ay isiniwalat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na tinatayang ₱5-milyon ang nawawala sa sektor ng pangisdaan kada araw dahil sa nasabing pagkalat ng oil spill.

BASAHIN: Sektor ng pangisdaan, nawawalan ng ₱5M kada araw dahil sa oil spill – BFAR