Pamilya ang prayoridad ng Kapuso comedy actress na si Kiray Celis kaya habang rumaraket pa siya, aminadong napupunta sa kaniyang mga magulang at kapatid ang malaking bahagi ng suweldo bilang artista at vlogger.

Iyan ang pag-amin ni Kiray sa naging panayam ni Kapuso actor Paolo Contis sa YouTube channel ng GMA Sparkle Artist Center.

“Lahat ng pera ko, nasa kanila. Lahat ng work ko, nasa kanila. Na kay Mama, na kay Papa. So kapag meron lang akong mga raket-raket, mga pa-post sa Facebook, ‘yon na lang ‘yong sine-save ko sa sarili ko. Kasi gusto ko maging okay muna 'yong buhay ng family ko bago ako maging okay,” sey ni Kiray.

Nang mabilhan daw niya ng sariling bahay at lupa ang mga magulang, inakala raw ni Kiray na doon na matatapos ang pangangarap niya para sa mga magulang. Habang tumatagal daw ay marami pa siyang balak para sa kanila. Sa ngayon daw ay nakabili na siya ng tatlong property para sa kanila, bukod pa sa ipinatayo niyang bahay nila.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Naibahagi rin ni Kiray ang dahilan kung bakit siya nag-ober da bakod mula sa ABS-CBN patungong GMA Network. Aniya, wala na siyang TV shows at puro pelikula na lamang.

Ang huling show pa yata ni Kiray sa Kapamilya Network ay sa "Mara Clara" remake nina Kathryn Bernardo at Julia Montes. Puro sa pelikula ang naging raket ng komedyante.

Hindi naman daw mahalaga para kay Kiray kung siya ang bida sa proyekto, ang mahalaga, may trabaho't kumikita siya.