Hindi raw ugali ng Star Magic artist at Kapamilya actress na si Kira Balinger na mang-agaw o mang-ahas ng boyfriend ng ibang babae.

Iyan ang paglilinaw ni Kira nang mauntag ng PEP kaugnay ng isyu sa kanila ni Sparkle artist at Kapuso actor na si Kelvin Miranda, kung saan, inexpose ng ex-girlfriend nitong si Roselle Vytiaco noong Enero 2023 ang tungkol sa "harutan" ng ex-boyfriend kay Kira.

Sa kauna-unahang pagkakataaon ay matapang na binasag ni Kira ang kaniyang katahimikan tungkol sa isyung kinasangkutan. Paliwanag ng aktres, totoong nagkaka-chat at naging malapit sila ni Kelvin dahil nagkasama sila sa lock-in shooting ng pelikulang "Poon" subalit hindi raw siya naging kabit, at walang "tikimang" naganap sa pagitan nilang dalawa.

Inamin din ni Kira na nagalit siya kay Kelvin dahil hindi raw niya alam na may jowa pala ito.

Ex-jowa ni Kelvin Miranda, may pasabog; Kira Balinger, dawit

"Hindi po ako third wheel. Kung anuman naging usapan nilang dalawa ng ex niya, out na po ako doon. If there's somebody Ate Girl should talk to, it should be him," kalmado raw na sagot ni Kira sa panayam ng PEP.

Nilinaw rin ni Kira na hindi siya ang dahilan ng hiwalayan ng dalawang ex-couple.

Nag-sorry naman daw si Kelvin sa kaniya matapos makaladkad ang pangalan niya sa mga nangyari.

Hindi na raw kasalanan ni Kira kung talagang ang mga lalaki ang habol nang habol sa kaniya!

Panalong pahayag ng aktres, "I do not steal men, I don't run after them, they come to me."

Pak na pak ang sagutan, 'di ba?