Usap-usapan ngayon ang isang lola na nagpapakilalang siya raw ay ate ng yumaong action star na si Rudy Fernandez, mister ng award-winning actress na si Lorna Tolentino.

Ang naturang lola ay nagpakilalang si "Teodola Galacio" na 85-anyos na.

Binalikan ni Teodola ang mga naaalala niya patungkol sa bunsong kapatid na si Rudy.

“Pitong buwan pa lang siya noong pinapakain ko siya kasi nagkasakit ang nanay namin, pito kaming magkakapatid,” pahayag ni Teodolo, na teenager pa lamang daw sa mga sandaling iyon.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Dahil sa pagkakasakit ng nanay, naibenta umano ang kanilang property pambayad sa ospital. Bukod dito, napaampon din umano si Rudy. Ang mga adoptive parents na umano ang nagparehistro sa kaniya.

Dahil sa pagpapabalik-balik sa ospital ay naibenta umano ang lupa ng kanilang pamilya at napagdesisyunan na ipaampon ang batang sinasabi niyang si Ruday. Naibigay daw umano ito sa kapitbahay na nakapag-asawa ng taga-Maynila ang bata at ang mga ito na ang nagparehistro rito kaya naman sila ang nasa birth certificate.

Masayang-masaya naman si Teodola sa mga naabot ni Rudy.

Samantala, natanong naman ng PEP ang mga anak nina Rudy at Lorna na sina Mark Anthony Fernandez at Rap Fernandez tungkol sa nagpapakilalang ate ng kanilang yumao, na kung totoo man, ay lumalabas na tiyahin nila.

Pahayag ni Mark, “Natutuwa ako dahil meron pa palang isang kapatid si Papa dahil si Tita Merle, buhay pa hanggang ngayon, saka si Tita Mary Ann. Sana magkita rin sila kung totoo ‘yon at gusto ko rin na makasama sa gathering na ‘yon.”

"News organizations should fact-check and verify before publishing anything," saad naman ni Rap.

Si Lorna naman, nanindigang hindi ampon si Rudy. Nagpaabot ng mensahe sa "Fast Talk with Boy Abunda" ang beteranang aktres upang magkomento sa mga kumakalat na tsika tungkol kay Daboy.

Wala raw katotohanan ang claim ni Teodola tungkol sa kaniyang namayapang asawa.

“Nakakahiya naman na sagutin pa si lola na lahat ng legal documents ay meron si Daboy. Proof na talagang Padilla-Fernandez at baby pictures. Ate Merle is Rudy's eldest sister,” ani Lorna.

Hunyo 7, 2008 namayapa ang action star dahil sa isang malubhang karamdaman.