Nilinaw ng radio at TV personality na si Samir Gogna o mas kilala bilang "Sam YG" na hindi siya si "Jeremy Jauncey" na fiancé ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, matapos mag-viral ang pag-usapan ang pilyang hirit ng beauty queen tungkol sa kaniyang "vitamin D."
Ibinahagi ni Sam ang screengrab ng tanong sa kaniya ng isang netizen kung siya raw ba ang nasa litrato, na makikita naman sa Instagram post ni Pia.
"Para lang clear, HINDI ako 'to. Please stop spreading rumors. #YariNanaman ako neto," ani Sam.
Na-quote pa niya si "Prophet James" o ang actor-singer-talent manager na si James Reid, na kamakailan lamang ay usap-usapan matapos ang pa-soft launch ng namamagitan sa kanila ni Issa Pressman, ang sis ni Yassi Pressman.
"I’m currently at home and happily married. This is the last time I’m gonna speak up about this issue. Sabi nga ni Prophet James: 'I’m the happiest I’ve ever been.'
Makikita sa comment section na nagkomento rito si Pia.
"Tsk tsk.. mga tao talaga. I’m sorry Sam na nadamay ka sa issue na ito."
Tugon naman ni Sam, "Ok lang grabe talaga chismis ngayon. Enjoy kayo jan sa Pansol Hot Springs."
Biro naman ng mga netizen, "makakauwi" na raw si Sam sa kaniyang misis at hindi na siya ma-outside de kulambo.