Laugh trip ang mga netizen sa Instagram post ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach matapos niyang ibahagi ang mga litrato ng fiance na si Jeremy Jauncey habang nakabakasyon sila sa isang beach, na ayon sa lokasyon, ay sa Seychelles na matatagpuan sa East Africa.

Aniya, "Another adventure with my love 💙 My daily dose of Vitamin C…cos when I see you, oks na me 😝 Kung may Vitamin D, mas happy."

View this post on Instagram

A post shared by Pia Wurtzbach (@piawurtzbach)

Baklang-bakla! Pia Wurtzbach, viral na naman dahil sa pilyang hirit na Vitamin D sa fiancé

Naloka naman ang mga celebrity at netizen kung ano ba ang "vitamin D" na tinutukoy niya.

Nakiliti ang "malawak" na imahinasyon ng mga netizen at hinulaan kung ano ang inisyal na "D." Puwede raw kasing literal na Vitamin D na nakukuha mula sa sun rays.

O kaya naman, "dagat" dahil nga nasa beach sila! Mahilig din kasi sa beach si Pia batay sa madalas niyang itineraryo sa travel.

May mga pabirong nagsabi namang "dilig," "dyowa," at… daks!

Pati ang kilalang celebrity photographer na si BJ Pascual ay napakomento rin.

"PIA WURTZBACH - A TRUE GAY ICON!!!!!" aniya.

Kinalma naman ni Pia ang sangkanetizens at sinagot kung ano nga ba ang Vitamin D na ito.

"Vitamin D na nakukuha sa sun exposure. Kayo naman!” aniya sa isang komento sa netizen.

Literal naman palang vitamin D eh!