Hinikayat ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga mananampalataya na personal nang dumalo sa banal na misa sa mga simbahan.

Ang panawagan ay ginawa ni Advincula, ilang araw na lamang bago sumapit ang paggunita sa Mahal na Araw.

Inatasan rin naman niya ang mga pari na pag-aralan ang bilang ng mga virtual masses na ipagdiriwang sa kanilang mga parokya.

Kasabay nito, pinaalalahanan rin niya ang mga Katoliko na sa gagawing pagdalo sa banal na misa ay patuloy na maging maingat at tumalima sa ipinaiiral na Covid-19 health protocols.

Eleksyon

Abalos, nanawagan ng sapat na pondo para sa kaguruang magbabantay sa eleksyon

Matatandaang noong kasagsagan ng pandemya ng Covid-19 ay pinahintulutan ng Simbahang Katolika ang pagdaraos ng online masses upang maiwasan ang hawahan ng virus.