Nakiusap muli si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. kay Negros Oriental (3rd District) Rep. Arnolfo Teves, Jr. na umuwi na sa bansa upang harapin ang mga alegasyon laban sa kanya.

Paniniyak ng Pangulo, ibibigay nila ang lahat ng klase ng seguridad sa pagbabalik ni Teves sa bansa.

“But anyway, if to reassure him, we’ll provide all kinds of security kung anong gusto mo. Mayaman ka naman. May private jet ka naman eh. Mag-landing ka kung saan mo gusto, papaligiran – sa Air Force base. Mag-landing siya sa Basa, papaligiran natin ng sundalo, walang makalapit na isang kilometro. So that – that will guarantee his security,” reaksyon ni Marcos matapos dumalo sa ika-126 anibersaryo ng Philippine Army sa Taguig City nitong Miyerkules.

Itinanggi rin nito ang ulat sa sinasabing banta sa buhay ni Teves batay na rin nakalap na intelligence information ng Office of the President.

National

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte

“Well, I have no direct contact with him. Ang nakakausap niya is the Speaker (Martin Romualdez) dahil ‘yun ang Speaker niya. So he’s the leader of the House, nakakausap niya. And ganoon pa rin ang sinasabi niya may banta daw sa buhay niya. Kami naman sa intelligence, the best intelligence we have is that we are not – we don’t know of any threat. Saan manggagaling ‘yung threat?,” pagdidiin ng punong ehekutibo.

Mas makabubuti rin aniya kung umuwi na sa bansa ang kongresista dahil may mga opsyon pa ito para kanyang depensa.

“So we have made all of these offers pero syempre hindi pa siya nagde-decide. But the advice, the only advice I can give to Cong. Arnie is that habang tumatagal ito, mas nagiging mahirap ang sitwasyon mo. So mas maaga kang makauwi, mas marami pang option ang mangyayari,” sabi ni Marcos.

“Pero pagka masyado ng late, wala na, mapipilitan na ang gobyerno. We will have to move without any discussions with him,” dagdag nito.

Kabilang si Teves sa "person of interest" sa pagpatay kayNegros Oriental Gov. Roel Degamo sa bahay nito sa Pamplona nitong Marso 4.