Kamakailan lamang ay naging isa sa mga event host ng "Miss International Queen Philippines" Grand Coronation Night ang komedyanteng si Jervi Li a.k.a. KaladKaren Davila kasama ang guwapong si "Sean Kyle," at ang nag-uwi naman ng korona ay si Miss Q&A contestant Lars Pacheco.

In fairness naman ay talagang magandang-maganda si KaladKaren, na bagama't nakilala bilang dakilang impersonator ni ABS-CBN news anchor Karen Davila, ay unti-unti na ring nagkakaroon ngayon ng sariling identity sa larangan ng showbiz!

Isang netizen ang humirit kay KaladKaren na may K siyang sumali sa mga beaucon o beauty contest.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

"Dear… pwede din ikaw maging representative ng Philippines next time! Appointed na lang!! ✌🏼😀 Goodluck to the candidates!" sey ng netizen.

Tugon naman ng komedyante-TV host, "Dear housewife na ang peg ko! Dilig more than korona! Charot!!!!"

Screengrab mula sa FB ni KaladKaren Davila

Matatandaang benta sa mga netizen ang mga hirit ni KaladKaren tungkol sa "pagdilig" sa kaniya ng British fiance na si Luke Wrightson.