Laugh trip ang mga netizen sa kuwelang Instagram post ni Kapamilya singer Darren Espanto matapos niyang upuan sa binti si Asia's Songbird Regine Velasquez-Alcasid, habang sila ay nasa musical noontime show na "ASAP Natin 'To."

Eh kasi naman, mamang-mama na ang datingan ni Darren no, malayong-malayo na sa bagets na Darren na unang nakilala bilang runner-up sa "The Voice Kids" season 1.

"Sabi ni Mama Reg, upo raw po ako sa binti niya pero parang nagdalawang-isip agad siya," caption ni Darren kalakip ang litrato nila ng Songbird habang nakaupo siya sa isa sa mga binti nito.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Kitang-kita naman ang pagngiwi ni Reg sa litrato na tila nabigatan kay Darren.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Hahahaha sobrang cute nyo ni Mama Reg mo! Haha Yung reaction nya talaga eh!!!"

"Ms Reg: napasubo ako, ambigat ng dambuhalang ito 😂 sobrang cute nyoooo!"

"Cute nyo ni Mama Reg haha bigat mo na raw kasi!"