Nang muling magsama-sama ang bff trio na sina Angelica Panganiban, Bela Padilla, at Kim Chiu sa kanilang ibinahaging mga post, "napa-sana all may bff" na lang ang netizens dahil sa friendship na meron sila.

Makikita sa Instagram post ni Kim, may video itong umaakyat sa puno ng niyog na kunwari'y nalulula sa taas kahit mababa lang naman ang puno.

Todo cheer naman sina Bela at Angelica para sa kanilang kaibigan!

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

"Go momsy! Isang buko lang."

Sa isa pang IG post ni Kim aniya sa caption, "Feeling lucky to call these two beautiful, strong women my friends!!! we may not see each other that much but when we do, magkaka six packs na kami sa kakatawa and tutubuan na kami ng additional dimples sa kakasmile!

"Lels yes ganun po ka lala!!!! Had a great time with you momsy @iamangelicap @bela namiss ko ang bonding natin plus ang sarap patawanin ni pretty bean!!!"

Sa post naman ni Bela at Angelica, nakaupo silang tatlo at tila hindi mapigilan ang paghagalpak sa pagtawa.

Taong 2019, nang ibahagi ni Kim sa panayam kay Boy Abunda, na naging close silang lahat sa birthday party ng isang common friend.

Simula noon, ang trio ay tinatawag na nilang "AngBeKi," at pare-parehas silang nagpa-tattoo, na simbolo umano ng kanilang pagkakaibigan.