Tila napapasubo ngayon ang Team Payaman member at vlogger na si Boss Keng dahil nagke-crave ngayon ang kaniyang misisna si Pat Velasquez-Gaspar sa prutas na rambutan-- hindi naman lingid sa kaalaman ng nakararami na hindi pa rambutan season sa bansa.

Sa isang Facebook post nitong Martes, naghahanap ngayon si Boss Keng ng mabibilhan ng rambutan.

"Please po baka may alam kayo bilihan rambutan. Ilang linggo na nagccrave to si buntis. Bilhin ko po agad," aniya.

"Sawa na ata sya sa rambutan ko eh," kwelang sabi pa niya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ayon din sa vlogger, wala rin daw sa mga palengke. Ilang linggo na rin daw sila naghahanap. Katulong din niya sa paghahanap ang isa ring Team Payaman member na si Kha Kha.

Kaniya-kaniya namang suggestion ang mga netizen sa comment section kung saan puwedeng makabili si Keng ng rambutan.

As of writing, wala pang update kung nakabili na ba ng rambutan si Keng para sa misis.