Hinamon ni Bise Presidente Sara Duterte nitong Martes, Marso 21, ang kalalakihan na makiisa sa paglaban para sa pagkakapantay-pantay ng kasarian at lumikha ng mas ligtas na mga puwang para sa mga batang babae at kababaihan sa mga komunidad.

Ibinigay ni Duterte ang hamon sa kanyang talumpati bilang panauhing pandangal at tagapagsalita sa pagdiriwang ng Quezon City Police District (QCPD) Women’s Month at flag raising ceremony sa QCPD Grandstand sa Sikatuna Village, Quezon City.

“There is an open invitation for men to join the cause. And by joining the cause, you commit to cultivating peaceful, safer, and more empowered communities that actively champion the welfare of the vulnerable sectors in society — including women and children,”  aniya.

Binigyang-diin din ng Bise Presidente ang tagumpay ng kababaihan sa mga industriya, propesyon, at sektor na pinangungunahan ng mga lalaki, gaya ng Philippine National Police (PNP).

National

Rep. Paolo Duterte, ‘negatibo’ sa hair follicle drug test

Ikinatuwa rin ni Duterte ang pagbaba ng kaso ng Violence Against Women and Children (VAWC) sa Quezon City noong unang quarter ng taon.

Nabanggit niya na ang QCPD ay nakapagtala ng 59 na kaso ng karahasan laban sa kababaihan at mga bata mula Enero hanggang Marso ngayong taon kumpara sa 77 kaso ng VAWC na naitala sa parehong panahon noong nakaraang taon.

“Dalawang bagay ito — una, pwedeng bumaba ang reporting ng mga kaso at ang pangalawa, pwedeng ang adbokasiya ng QCPD hinggil sa VAWC,” ani Duterte.

Binigyan niya ng mga parangal ang limang bagong na-promote na babaeng pulis, at muli pang binigyang-diin ang kahalagahan ng hindi pagtukoy sa kasarian ng isang tao.

“Today, we will recognize women members of QCPD who have exemplified remarkable dedication and competence by effectively contributing to the attainment of QCPD’s vision and mission,” aniya.

“And today, we salute them as we congratulate them for their valuable contribution to the journey of QCPD as an institution — and for being living proof that our choices in life, including our profession, are not defined, dictated, tainted, or underlined by the colors of gender," dagdag ng opisyal.

Raymund Antonio