Nabigla ang dating PBA Commissioner at dating Philippine Sports Commission Chairman na si Noli Eala sa balitang may Stage 3 colon cancer ang Barangay Ginebra player na si LA Tenorio nitong Martes, Marso 21.

Sa isang tweet, ibinahagi ni Eala na nabigla at nalungkot siya sa balita.

"I am deeply shocked and saddened about the news on LA Tenorio. Our family’s prayers are with you @LA_Tenorio," aniya.

"Claiming your full recovery. Remember God does not give us any burdens that we cannot carry. Ad majorem dei gloriam," dagdag pa niya.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

https://twitter.com/NoliEala/status/1638071067108589569

Matatandaang ibinahagi ni Tenorio, ang mga initial testing na isinagawa sa kaniya noong mga nakaraang tatlong linggo ang naging dahilan kung bakit lagi siyang wala sa mga practice at laro sa PBA.

BASAHIN:https://balita.net.ph/2023/03/21/la-tenorio-na-diagnose-ng-stage-3-colon-cancer/