Iminungkahi ni Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri nitong Lunes, Marso 20, na dapat nang amyendahan ang Anti-Hazing Act of 2018 sa bansa sa pamamagitan ng pagmandato sa mga estudyanteng ideklara sa kanilang college applications ang kinabibilangan nilang fraternity at sorority.

Sinabi ito ni Zubiri sa gitna ng pagdinig ng Senate Committee on Justice and Human Rights sa pagpaslang kay hazing victim at estudyante ng Adamson University na si John Matthew Salilig. 

Inaresto ng mga awtoridad ang ilang miyembro ng Tau Gamma Phi Fraternity na mula rin sa Adamson matapos silang masangkot sa hazing initiation na naging dahilan ng pagkamatay ni Salilig.

BASAHIN: Nawawalang college student, natagpuang patay dahil sa hinihinalang hazing

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Itinanggi naman ng naturang unibersidad na hindi recognized organization o accredited sa kanila ang nasabing fraternity.

Dahil dito, ayon kay Zubiri, mas makatutulong umano sa pagpapatibay ng Anti-Hazing Act kung gagawing mandato sa mag-aaral na ideklara ang kanilang kinabibilangang fraternity sa pamamagitan ng pagsagot sa isang declaration form.

Sa pamamagitan ng declaration form, maaari umanong suspendihin ng unibersidad ang kanilang mga estudyanteng mapatutunayang sangkot sa hazing.

Sinang-ayunan naman ng legal counsel at the Philippine Association of State Universities and Colleges (PASCU) na si Luzviminda Rosales ang binanggit ni Zubiri na mahalaga ang declaration form.

Ayon kay Rosales, may mga pagkakataong hindi nga alam ng mga unibersidad ang mga fraternity o sorority na kinabibilangan ng kanilang mga estudyante.