Nagpahayag ng pasasalamat si pop star Selena Gomez sa kaniyang fans matapos itong kilalaning ‘Queen of IG’ at maging unang babae na nagkaroon ng 400 milyong followers sa social media app na Instagram.

Sa kaniyang Instagram post nitong Lunes, Marso 20, nag-share si Selena ng kaniyang mga larawan, kasama ang kaniyang fans bilang pasasalamat.

“Wishing I could hug all 400 million of you 🤍,” caption ni Selena sa kaniyang Instagram post.

Matatandaang kamakailan ay kinilala ng Guinness World Records si Selena bilang ‘most followed female’ sa naturang social media app matapos niyang malamangan sa followers ang dating record holder na si American media personality na si Kylie Jenner.

Human-Interest

Mahanap kaya? Lalaking hinahanap nawalay na biological parents, usap-usapan

BASAHIN: ‘New Queen of IG’: Selena Gomez, kinilala bilang bagong ‘most followed female’ sa IG – GWR

Sa kasalukuyan ay pang-apat umano si Selena sa overall most followed sa Instagram.

Nanatiling nangunguna naman sa may pinakamaraming followers sa naturang app si Cristiano Ronaldo na mayroong tumataginting na 563-milyong followers.