Sinagot ni Unkabogable Star Vice Ganda ang kaniyang kritiko, matapos kuwestiyunin ang pagbili niya ng aso na aniya'y bagong parte ng kanilang pamilya.

Ito ay kaniyang bagong "baby" na five-month-old Pomeranian puppy na nagkakahalaga ng ₱380,000. Bumili rin si Meme Vice ng dog bed na nagkakahalaga ng ₱16,000.

BASAHIN: Vice Ganda at Ion Perez, may ‘baby’ na!

Unang ipinaliwanag ni Vice na kaya sila nakapag-desisyon ni Ion Perez na bumili ng aso, ay para mas lalong sumaya ang kanilang pagsasama.

Eleksyon

COC Filing Day 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Gayunpaman, kinuwestiyon ng netizens ang desisyon ni Vice, at tinanong nila kung bakit hindi na lang daw ito nag-ampon ng aso.

Sa segment ng noontime na It's Showtime, hindi na napigilan na sagutin ni Meme Vice ang kaniyang kritiko.

Aniya, “Alam mo nababasa ko yung mga comments. Bakit ang hilig niyong magdesisyon para sa kapwa? Bakit daw bumili kami ng ganoon kamahal. Bakit hindi na lang daw nag-adopt."

“Hindi lang ba puwedeng hayaan niyo kaming maging masaya? Hindi puwedeng choice namin? ‘Di ba?," hirit ni Vice sa kaniyang kritiko.

Dagdag pa ng TV host-comedian, suportado niya ang mga furparents na nais mag-adopt, pero dapat ay igalang din ng iba ang kanilang desisyon na bumili.

Sey ni Meme, "Alam ko may mga dahilan kayo, pero may kanya-kanya naman tayong desisyon. Hindi puwedeng kami ang mag-decide? Di ba? Maganda yung mag-adopt talaga, pero masama ba na bumili kami ng dog? Wala, ‘di ba?"

"It’s our life, di ba? It’s our life, it’s our joy. Can’t you just be happy for our joy and for our lives?" dagdag pa niya.