Isiniwalat ni Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Spokesperson Nazario Briguera nitong Lunes, Marso 20, na tinatayang ₱5-milyon ang nawawala sa sektor ng pangisdaan kada araw dahil sa kumakalat na oil spill sa mga baybay-dagat ng bansa dahil sa lumubog na MT Princess Empress sa Naujan, Oriental Mindoro.

Sa isang “Laging Handa” briefing, ibinahagi rin ni Briguera na nasa 19,000 mga mangingisda rin ang patuloy na nagdurusa dahil hindi sila makapaghanapbuhay sa mga baybay-dagat na apektado ng oil spill.

Ipinagbabawal sa ngayon ang pangingisda sa mga baybay-dagat sa bansa na naapektuhan ng oil spill dahil sa posibleng water intoxication.

Bukod sa sektor ng pangisdaan, naapektuhan din ng nasabing oil spill ang sektor ng turismo ng bansa.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Sinabi ni Tourism Secretary Christina Frasco kamakailan na nasa 61 tourist destinations sa Oriental Mindoro at mga kalapit-probinsya ang apektado nito.

BASAHIN: 61 tourist sites sa bansa, apektado ng oil spill — DOT

Matatandaang lumubog ang MT Princess Empress, na may kargang 800,000 litro ng industrial fuel oil sa Naujan, Oriental Mindoro noong Pebrero 28 dahil umano sa lakas ng alon.