Tila tinawanan na lang ni Lolit Solis ang mga umano'y isyu tungkol sa relasyon nina James Reid at Issa Pressman, maging ang patuloy na pagdawit umano sa pangalan ni Nadine Lustre.

"Katawa naman issue kay James Reid, Salve. Iyon date niya sa kapatid ni Yassi Pressman na si Issa at iyon patuloy na paggamit sa pangalan ni Nadine Lustre," saad ni Lolit sa kaniyang Instagram post nitong Linggo, Marso 19.

Sey pa ni Lolit, tapos na raw ang relasyon nina James at Nadine kaya naman hindi na raw dapat nadadawit ang pangalan ng isa't isa.

"Tapos na ang relasyon nila James at Nadine, kaya hindi na dapat isinasabit pa ang pangalan nila sa isa't isa. Wala na silang pakialam kung ano pa ang ginagawa ng isa. No more keber kung sino at ano dahil waley na," aniya.

James Reid kay Issa Pressman: 'This is the start of something beautiful'

"Kaya naman kung makatagpo sila ng tao na mamahalin nila mas ok dahil pareho naman dapat nilang makita ang happiness nila," dagdag pa niya.

Hangad lang din ng batikang showbiz columnist na maging maligaya sina James at Nadine kahit na hiwalay na ang mga ito at matagpuan ang tamang partner.

"Bata pa sila James at Nadine at malayo pa ang lalakbayin ng kanilang mga buhay. Kailangan naman siguro na habang mga bata pa sila, maging maligaya sila, matagpuan ang tamang partner sa kanilang journey. Be happy, mas maganda iyon kesa sad di ba."

Matatandaang noong Marso 17, kinumpirma na ni James ang relasyon nila ni Issa.

Sa Instagram story ni James, pinagtanggol nito si Issa sa mga nagsasabing ito raw ang dahilan ng hiwalayan nila ni Nadine Lustre noong 2020.

BASAHIN: