Pasabog ang naging birthday prod ng aktres na si Janella Salvador sa musical variety show ng ABS-CBN na “ASAP Natin ‘To,” na umere Linggo, Marso 19.

Binigyang-buhay ni Janella ang ng ang hit single na “Positions” ni Ariana Grande na siya namang ikinatuwa ng mga taga-hanga ng aktres. Trending ang “JANELLA PowerfulProdOnASAP” sa Twitter, kasabay ng mga magagandang komento para sa kaniyang naging performance.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Nang kapanayamin naman si Janella matapos ang kaniyang prod, sinabi ni Martin Nievera na isa si Janella sa mga improving singers at nakakahanga 'di umano ang maturity nito sa pag-awit at pag-perform.

Nagpasalamat naman si Janella sa kaniyang mga taga-hanga at maging sa mga kasamahan niya sa industriya na naniniwala sa kaniya.

Ang sorpresa ni Janella sa kaniyang fans ay ang posibilidad na mag-concert siya ngayong taon, na siya namang agad kina-excite ni Regine Velasquez at sinabing totohanin na dapat ang nasabing concert.

Sa huli, binanggit ni Janella ang kaniyang anak na si Jude. “Hindi mo pa naiintindihan, pero you inspire me so much,” aniya.

Ibinahagi naman ni Janella ang mga kuha mula sa kaniyang birthday prod sa kaniyang Instagram account.