Iniulat ng Department of Health (DOH) nitong Lunes, Marso 20, ang kabuuang 1,171 bagong kaso ng Covid-19 na naitala noong nakaraang linggo.

Sa kanilang weekly case bulletin, sinabi ng DOH na ang daily average cases ay kasalukuyang nasa 167 na mas mababa ng 19 percent kaysa sa mga kaso noong Marso 6 hanggang Marso 12.

Nakapagtala ang DOH ng anim pang indibidwal na nasa ilalim ng malubha at kritikal na mga kaso. Sa kasalukuyan, mayroong 368 malubha at kritikal na admission na 10.3 porsyento ng kabuuang Covid-19 admissions.

Sa kabilang banda, 272 sa 2,040 o 13.3 porsyento ng Intensive Care Unit (ICU) beds ang ginagamit, habang 2,853 sa 16,735 o 17.0 percent ng non-ICU beds ang ginagamit.

Probinsya

Tricycle driver na nagselos at sinabihang maliit ang ari, sinaksak sekyu na pinagselosan!

Samantala, na-verify din ng DOH ang 63 pang pagkamatay dahil sa Covid-19 nitong nakaraang linggo. Binanggit nito na walang nasawi mula Marso 6 hanggang Marso 19.

Sa 63 na pagkamatay, dalawa ang naganap noong Marso 2022, anim noong Pebrero 2022, anim noong Enero 2022, apat noong Nobyembre 2021, 11 noong Oktubre 2021, walo noong Setyembre 2021, siyam noong Agosto 2021, apat noong Hulyo 2021, tatlo noong Hunyo 2021 , tatlo noong Mayo 2021, apat noong Abril 2021, dalawa noong Marso 2021, at isa noong Enero 2021.

Pagdating naman sa pagbabakuna sa Covid-19, kabuuang 78,443,972 indibidwal ang ganap na nabakunahan habang 23,811,248 ang nakatanggap ng mga booster o karagdagang dosis.

Dhel Nazario