Ito ang proud na ipinakita ng kapwa Pilipino Singapore-based 17-year-old na si Zoe Gabriel matapos malaman na siya ang kinuha ng isang commercial airline para gumawa ng online content.

Patuloy ang inaaning blessing ni Zoe sa mga patuloy na kumukuha sa kaniya bilang ambassador. Matatandaang unang naging headline si Zoe noong Enero matapos siyang kutyain sa TikTok dahil siya'y tuwang-tuwang sa kaniyang unang Charles at Keight na tote bag bilang isang "luxury" na item.

BASAHIN: Inokray na Pinay teenager dahil sa isang bag, brand ambassador na

Kaya naman inimbitahan ng Charles & Keith si Zoe sa kanilang headquarters office kasama ang kaniyang ama at binigyan siya ng mga customized na bag. Nang buwan ring iyon ay kinuha siya bilang isa sa mga modelo nito para sa kampanya sa International Women's Day.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

BASAHIN: Matapos ang viral ‘luxury bag’ video: Zoe Gabriel, binigyan ng personalised bag ng sikat na brand

Ngayon, dumarami na ang mga brand na kumukuha kay Zoe dahil nakita siya kamakailan lang sa ilang content ng AirAsia sa TikTok.

Dahil si Zoe ay naging isa rin sa mga community ambassador ng brand. Makikita siyang sumasayaw kasama ang ilang flight attendant sa isang speed-up na bersyon ng "I Think He Knows" habang nagpo-promote sila ng isang offer

“*Domestic: all-in from RM23. Asean: all-in from RM60. Includes airport taxes, MAVCOM fee, fuel surcharges and other applicable fees. T&C apply,” anito sa caption..

Sa TikTok page rin ng AirAsia, makikita si Zoe na nakasuot ng uniporme bilang flight attendant habang sumasayaw sa Boy’s A Liar Pt. 2 by Pink Pantheress at Ice Spice.