Binigyang-diin ni AnaKalusugan Party-list Rep. Ray Reyes nitong Linggo, Marso 19, na nakasasama sa kalusugan ng mga Pinoy ang naitalang sobrang pagkonsumo ng mga ito ng asin.

Binanggit ng AnaKalusugan ang ulat ng World Health Organization (WHO) na hindi dapat umabot sa 2,000 milligrams ng sodium kada araw ang nakokonsumo ng bawat indibidwal na nasa tamang edad.

Ngunit sa tala umano noong Oktubre 2022, tinatayang 4,113 milligrams dietary sodium ang nakokonsumo ng mga tao sa Pilipinas kada araw.

Dahil dito, hinikayat ni Reyes ang mga Pinoy na bawasan ang pagkonsumo ng asin upang mabawasan umano ang panganib sa mga sakit tulad ng high blood pressure, heart disease, at stroke.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

“Lasting and meaningful change always starts from within," ani Reyes."We urge our kababayans to put less salt to the food they prepare and buy foods that contain less sodium."

Saad pa ni Reyes, palagi namang aktibo ang AnaKalusugan sa pagsusulong ng mga batas na layong magtaguyod sa kalusugan ng mga Pilipino.

"We are one with the [WHO] in pushing for more effective strategies to reduce salt intake," aniya.