Inihayag ng "Certified JaDine Fans" na simula sa araw na ito, babaguhin na nila ang pangalan nila at tatawaging "Loving Lustre," o solely, si Nadine Lustre na lamang ang kanilang susuportahan o hahangaan, ayon sa inilabas nilang opisyal na pahayag.

Matapos ngang muling mabuhay ang espekulasyong "nag-cheat" si James Reid kay Nadine Lustre noon matapos ilantad ang ugnayan nila ngayon ni Issa Pressman, na-kick na ng JaDine fans ang talent manager-singer-actor.

"For the one and only Multimedia Superstar, Nadine Lustre!," saad nila sa caption ng panibagong profile photo ng Facebook page.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa isa pang Facebook post, ibinahagi pa nila ang throwback photos ng JaDine na unang sumikat sa Wattpad adaptation movie na "Diary ng Panget" hanggang sa maging ganap na tambalan sa ABS-CBN, kahilera ng "KathNiel" at "LizQuen."

"What a journey. Thank yous! ❤️"

"It was a roller coaster ride to be a JaDine fan. The memories we created together were truly unforgettable. But all things come to an end, but we are destined for new beginnings. See you tomorrow as Loving Lustre!" saad sa caption.

Mababasa naman sa opisyal na pahayag ang ganito: "We would like to announce that Certified JaDine will be signing off, thus a new chapter will begin as we change our name to 'Loving Lustre' starting tomorrow."

"There is no reason for us to stay 'Certified JaDine' forever. But we have decided to continue the support we have for Nadine," dagdag pa.

"This is hard for us. Thank you to all the JaDine fans & who have been with us for almost a decade since 2015. We hope to still see you in this new chapter of ours."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag sina James at Nadine tungkol dito.

Trending naman si Nadine sa Twitter habang isinusulat ang balitang ito.