Viral ngayon sa social media ang post ni Jenny Pangilinan tampok ang asong nakasakay sa harap ng kaniyang fur parents sa tricycle.

"Humawak Ka maigi doggy... Nakita ko Lang at natuwa ako dahil twice ko na po sila nakikita na ganyan…" caption ni Pangilinan sa kaniyang post sa Facebook group na 'ASPIN LOVERS PHILIPPINES'.

Sa panayam ng Balita, ibinahagi ni Pangilinan na nakuha niya ang larawan noong Huwebes, Marso 16, sa Subic-Castillejos.

"Nakasakay po kame Ng mga anak ko sa jeep. Papunta kame sa school nila. somewhere in Castillejos. Then, Ayan po sila kasunod namen sila sa jeep," kuwento ni Pangilinan.

Human-Interest

Mahanap kaya? Lalaking hinahanap nawalay na biological parents, usap-usapan

"Natuwa po ako Kasi I'm a dog lover," aniya. "And kahit sino po matutuwa when u figure it out na [he's] riding with his family and napakabehave nya."

Marami rin namang mga netizen, tulad ni Pangilinan, ang natuwa at naantig sa naturang post nito.

"Wow inspired talaga Ako sa mga taong mapagmahal Ng doggie at cats , God bless that man," saad ng isang netizen.

"Iyan ang tunay na mapagmahal, dog lovers god bless u kuya," pahayag naman ng isa.

"Nakakatuwa pag May mkita kang Owner na mahal at maalaga sa Pet nila! Mabuhay ka kuya. Sana all ganito sa Hayop!" wika rin ng isang netizen.

"Love love ni daddy nya yan.

Ingat kayo doggie,kapit maigi baka ka mahulog. 🙏😇"

"Dapat ganyan lahat ng may alaga aso treat as family."

Sa ngayon ay umani na ang naturang post ng mahigit 17,000 reactions, 314 comments, at 442 shares.

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!