Nakahanda na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) na bantayan ang seguridad sa kamaynilaan ngayong nalalapit na Semana Santa.
Ito ang napag-alaman sa pamunuan ng NCRPO kung saan nasa 4,690 na pulis ang kanilang itinalaga sa buong National Capital Region mula Abril 6 hanggang Abril 9.
Ang kapulisan ay ipapakalat sa 300 simbahan sa buong Metro Manila para sa katiyakan ng kaligtasan ng mga deboto sa darating na Holy Week.
Anila, talagang tutukan ng mga pulisya ang mga transport terminal, pantalan at iba pang pampublikong lugar.
Samantala, ipinaalala muli ng NCRPO sa publiko na mananatiling naka-alerto ang naturang hanay para sa pangkalahatang seguridad sa buong Metro Manila.