Matapos nga ang pagputok ng isyu kaugnay sa "soft launch" ng relasyong James Reid at Issa Pressman, lumutang at nakalkal ng mga netizen ang naging biruan nina Iza Calzado at Nadine Lustre, sa naging panayam sa kanila ng TV personality na si Tim Yap.

Sa kasagsagan ng pandemya, bandang Abril 2020, naging guests sa Tim Yap Live sina Iza, Nadine, at Divine Lee.

"On FB live later. Catch Divine. Nadine. Iza. Talk about life, love and lockdown. 5pm on this space. See you!" saad ni Yap sa kaniyang caption.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Bago magsimula ang panayam ay biniro muna ni Iza si Nadine.

“Klaro ko lang ah. Let's just get the elephant in the room like just out of the way. Nadine, I'm sorry. I'm sorry for stealing James, char!" hirit ni Iza na ikinabigla at ikinatawa naman nina Tim, Divine, at ni Nadine.

"Wrong Issa, wrong Issa," sukli naman ni Nadz.

Kumakalat na ang video clip nito online at nagawa pang ikomento ng isang netizen sa tweet naman ni Yassi Pressman, ate ni Issa.

https://twitter.com/im_marjoy/status/1637089959147622400

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag sina Iza, Nadine, o maging sina James at Issa tungkol dito.