Idinetalye ni Ava Mendez sa isang panayam na hiwalay na talaga sila ng kontrobersyal na rapper na si Skusta Clee o Daryl Ruiz dahil hindi raw sila "match."

Ayon sa panayam ng Pika Pika, sinubukan naman daw nilang i-work out ang relasyon pero hindi raw talaga sila swak sa isa't isa.

"Hindi kami nagtatago. May mga bagay talaga na hindi match and (sinubukan) naman namin. Okey naman talaga," ani Ava.

Marami pa raw siyang gustong gawin si Ava sa buhay niya, at palagay niya, hindi niya magagawa ito kung in a relationship siya.

Ava Mendez, kumpirmadong single na; netizens, napa-anyare?

"Pero ambisyosa talaga akong tao and ang dami ko pang gustong gawin. So, parang hindi ko kaya na (ipagpatuloy ang pakikipagrelasyon) parang masasabi ko na lang siguro 'pag friendship mas okey kaysa sa relationship," aniya.

Matatandaang matapos makipaghiwalay kay Zeinab, naugnay kay Skusta Clee si Aira Mae Lipata.

Matapos mag-break, si Ava naman ang pumalit dito.

Buwan ng Enero nang sila ay naging usap-usapang engaged na pero nilinaw ng aktres na naglalaro lang sila ng Pinoy Henyo noon.

Sa presscon ng Vivamax film na "Domme" kamakailan, mismong ang direktor nitong si Roman perez, Jr. ang nambuking na single na ngayon si Ava.