Pinasalamatan ni Senate President Juan Miguel Zubiri nitong Biyernes, Marso 17, ang pagsuporta ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa inihain niyang panukalang batas na layong taasan ng ₱150 ang sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa bansa.

Sa pahayag ng TUCP, sinang-ayunan nito si Zubiri na kinakailangan nang maisabatas ang Senate Bill 2002 o the Across-the-Board Wage Increase Act of 2023 para sa mga manggagawa.

“We welcome these various initiatives to increase wages of workers because these many proposals, especially spearheaded by the Senate President, underscore the badly needed wage adjustment in light of the erosion of the purchasing power of workers’ wages due to inflation,’’ anito.

Ang TUCP umano ang pinakamalaking kompederasyon ng mga trade federations sa bansa.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

‘’We assure them and all our laborers, that we are with them in fighting for living wages,’’ ani Zubiri sa pagsuporta ng TUCP.

Matatandaang inihain kamakailan ni Zubiri ang nasabing panukalang batas sa gitna ng inflation sa bansa

BASAHIN: Zubiri, isinulong ang ₱150 taas-sahod para sa private sector workers

“Hindi natin pwedeng gipitin ang mga manggagawa. Sila ang nagpapagalaw ng ating mga industriya. Without them, our industries will shut down, and our economy will plummet. So they really deserve to make a living wage,’’ saad ni Zubiri.