Pinuri ng showbiz columnist na si Lolit Solis ang tambalan nina Ruru Madrid at Bianca Umali, na aniya ay bagay na bagay raw, lalo na't bibida sila sa kauna-unahang serye nilang "The Write One" na collaboration project ng GMA Network at Viu Philippines.

Pero may advice si Lolit para kay Bianca.

"Parang ang ganda ng combination nila Ruru Madrid at Bianca Umali, Salve. Bagay na bagay sila sa isa't isa. Physically talagang tugma ang combination nila. Maganda din batuhan nila ng dialogues kaya swak na swak."

"Meron lang akong advice kay Bianca, dapat ayusin niya minsan ang false eyelashes niya dahil distracting ito kung minsan sa acting niya. Sobra sa haba kaya kitang kita mo na false eyelashes ito. Ang ganda ng mga mata ni Bianca na hindi na kailangan ang enhancement."

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Isa siya sa pinaka maganda ngayon artista, plus mahusay pang umarte kaya naman bet ko na tiyak na magiging isa siyang big star. Plus maganda iyon pairing nila ni Ruru Madrid na ang guwapo din at mahusay umarte. Swak na swak ang dalawa kaya naman talagang sure ka na tatanggapin at gusto tiyak ng tv viewers ang The Write One na nasa GMA7 gabi gabi," sey ni Lolit.

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Bianca tungkol sa advice ni Manay Lolit.