Matapos ang pagsulpot sa concert ni Harry Styles at post sa social media na tila magkarelasyon na sila ni Issa Pressman, usap-usapan naman ngayon ang tila pag-unfollow kay James Reid ng Korean-American singer na si Nancy McDonie na dating miyembro ng all-girl group na "Momoland."

Ayon sa inilapag na "resibo" ng Fashion Pulis at mga mapanuring mata ng mga netizen, kung ise-search daw sa social media ni Nancy, hindi na makikita ang account ni James.

Screengrab mula sa IG ni Nancy McDonie via Fashion Pulis

James Reid kay Issa Pressman: 'This is the start of something beautiful'

Matatandaang ilang beses na ring naispatang magkasama sina James at Nancy, at na-link na rin sa isa't isa.

Ayon naman sa mga kumakalat pang tsika, marami talagang inunfollow si Nancy kabilang na si James, at nasaktuhan lamang na pumutok ang isyu kina James at Issa.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento sa netizens.

"nahurt ba si Ate Nancy? kala ko din sila nalilink eh bakit naman ganyan Hayme?"

"Ahahaha Parang ni-lead on lang nitong James si Nancy. Ang kalat naman ng talent agency nila."

"Nancy-selos ba siya?"

"Bat sabi ng iba ay maraming inunfollow si Nancy, di lang si James. Sakto lang may issue si James kaya naging issue din ito."

"Tama lang 'yan! Ginamit ka lang para pagtakpan issue nila ni Issa."

"Parang pumipila na si James kina Aljur at Paolo."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo nina James at Nancy tungkol dito.