Hindi tatawaging "The Ultimate Heartthrob" ang Kapamilya actor na si Piolo Pascual o "Papa P" kung wala lang!

Halos araw-araw naman ay maraming napapaligaya at nabibigyang-inspirasyon si Papa P sa kaniyang mga ipino-post na litrato sa social media, dahil tila "bampira" ito at kahit nagkaka-edad na, talagang yummy pa rin ang hitsura at pangangatawan nito.

Kaya naman, "natakam" ang mga netizen sa latest photos ni Piolo kung saan nag-advertise siya ng insurance plan nitong Biyernes, Marso 17, para sa "World's Sleep Day."

"Iba talaga pag insured may peace of mind, sense of security at mahimbing ang tulog. #WorldSleepDay," caption ni Piolo sa FB post. Kalakip nito ang mga litrato niya habang nakahiga at kunwa'y natutulog.

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Subalit sa isang litrato niya, may napansing "nakaumbok" ang mga netizen na talaga namang ikinaloka ng marami!

"Sorry po na-zoom!"

"Nanlaki mata qoh Papa P tas na zoom qoh 😂😂😂😂 sharap."

"The design is very pabakat Papa P. Nakakatakam hahahahaha."

"My pabakat c papa Piolo Pascual PH i love it."

"Minus 10 nnman ako sa langit."

"Parang gising ka naman, Papa P haha."

Samantala, wala pang tugon o reaksiyon si Piolo tungkol dito.