Nabagbag ang damdamin ng mga netizen sa ibinahaging TikTok video ng Kapamilya actress na si Roxanne Guinoo, matapos niyang i-flex ang kaniyang gawain tuwing Linggo, sa tuwing nagpupunta siya sa bahay ng mga magulang.

Makikitang si Roxanne mismo ang naglilinis ng bahay, naghuhugas ng mga pinagkainan, at nag-aasikaso sa mga magulang, sa buong araw na dumadalaw siya roon.

"This is how I spend my Sundays at my parents house," saad ni Roxanne sa caption ng kaniyang TikTok video.

"I make sure maiiwan ko silang maayos na ang bahay at wala na silang maiiwanan na trabaho, bigyan panahon natin ang ating mga magulang, pahalagahan natin bawat oras na nakakasama natin sila❤️."

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Habang tayo ay tumatanda, sila rin ay tumatanda."

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Pinagpapala ang anak na mapagmahal sa magulang."

"Napakaswerte ng magulang mo sa 'yo bilang isang mabuting anàk, God bless you."

"Aaaw! We want to give them the best comfort they deserve but sometimes limited lang din kaya natin. Nevertheless we should always give what we can."

"Napakaswerte ng parents na may anak na mapagmahal… salute to you, Roxanne!"

Si Roxanne Guinoo ay unang nakilala bilang contestant si "Star Circle Quest" Season 1 kasama sina Joross Gamboa, Melissa Ricks, Sandara Park, at Hero Angeles noong 2004.

Pumalo na sa 1.4M views ang naturang TikTok video ni Roxanne.