Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang probinsya ng Davao Oriental nitong Sabado ng hatinggabi, Marso 18, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 12:11 ng hatinggabi.

Namataan ang epicenter nito 156 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Governor Generoso, Davao Oriental, na may lalim na 41 kilometro.

Naiulat sa instrumento ng Phivolcs ang Intensity I sa City of General Santos; Malungon, Sarangani; at Don Marcelino, Davao Occidental.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Ayon sa Phivolcs, inaasahang magkakaroon ng aftershocks dahil sa nangyaring lindol.

Samantala, wala naman umanong posibleng pinsalang maidudulot ang nasabing pagyanig.