KAMPO HENERAL PACIANO RIZAL, Santa Cruz, Laguna – Arestado ng pulisya ang 13 hinihinalang drug personalities sa isang araw na operasyon sa lalawigang ito noong Biyernes, Marso 17.

Sinabi ni Laguna police director Col Randy Glenn Silvio na ang mga pag-aresto na ito ay bunga ng pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga sa suporta ng komunidad sa pamamagitan ng Barangay Intelligence Network (BIN) sa lalawigan.

Nakuha sa mga suspek ang hinihinalang shabu na tumitimbang ng 9.25 at nagkakahalaga ng P63,836 at marijuana na tumitimbang ng 0.2 gramo na may street value na P400.

Nasa kustodiya na sila ng mga arresting unit. Ang mga ebidensyang nakuha mula sa kanila ay isusumite sa Crime Laboratory para sa forensic examination.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Nahaharap ang mga suspek sa kasong may kinalaman sa droga.

Danny Estacio