San Fernando, Pampanga – Arestado ng pulisya ang dalawang tulak ng droga at nasamsam ang 50 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P340,000 sa buy-bust operation sa Barangay Pulungbulu, Angeles City, Pampanga noong Huwebes, Marso 16.

Kinilala ang mga suspek na sina Jesus Sarmiento at Michael Abbas ng Barangay Pandan, Angeles City.

Nahaharap sila sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sinabi ni Police Regional Office 3 (Central Luzon) chief Brig. Gen. Jose S. Hidalgo Jr.  na walang patid ang kanilang kampanya laban sa iligal na droga.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“We assure our law-abiding citizens that your police will be restless in our anti-illegal drug campaign to maintain peace and order and secure the future of the youth.”

Liezle Basa Inigo